Walang Sugat ay isang sarsuwela na isinulat ni Severino Reyes noong 1898, na nagpapahayag ng nasyonalismo at paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Ang musika para sa original na bersyon ng dula ay ginawa ni Fulgencio Tolentino.
Mga gumaganap:
•Tenyong - kasintahan ni Julia
•Julia - kasintahan ni Tenyong
•Lucas - Kaibigan ni Tenyong
•Kapitan Inggo - Ama ni Tenyong
•Kapitana Putin - Ina ni Julia
•Miguel - Mayaman na manliligaw ni Julia
•Tadeo at Juana - Magulang ni Miguel
Buod
Magkaharap noon sina Julia at Tenyong habang nagbuburda ang dalaga ng bigalang dumating ang kaibigan nitong si Lucas na nagbalita na nadakip ang kanyang ama dahil napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang ama niya na si Kapitan Inggo nais maghiganti ni Teynong kahit labag sa kalooban ng kanyang kasintahan na si Julia at inang si kapitana Putin ay wala silang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong at habang malayo sila sa isat-isa ay may dumating namang mangliligaw si Julia isang mayaman na si Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya nagpadala ng liham si Julia kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na ngunit di ito nasagot ni Tenyong sapagkat biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lamang ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kaylangan niyang magpakasal kay Miguel.Nang araw ng kasal dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan ni Tenyong ay ikasal siya kay Julia, pumayag naman si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana ina ni Julia sapagkat mamatay din naman si Tenyong at makakasal din sa kanyang anak. Ngunit biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang lahat ng Walang Sugat! Walang Sugat!
Öykü Penceresi Metni
Magsing-irog na si Julia at si Tenyong.
Lukas na kaibigan ni Tenyong.
Si Miguel, mayaman na manliligaw ni Julia.
Kapitan Inggo ama ni Tenyong.
Kapitana Putin ang ina ni Julia.
Natanggap niya ang sulat, ngunit hindi niya ito nasagot