Balita ko ay magiging requirement na daw sa oposina ang vaccination card sa susunod na buwan. Nagpabakuna na ba kayo?
Talaga ba? nako natatakot pa naman ako sa side effects ng bakuna, baka hindi na ako makapagtrabaho sa opisina
Nakakatakot nga. Meron kasi akong nabasa na yung iba ay lumubha ang karamdaman matapos magpabakuna.
Ngunit sinisigurado naman ng mga eksperto na ligtas ito para sa mga taong walang karamdaman at kailangan din natin ito sa opisina.
Sabagay, mabuti na't ligtas at makaiwas tayo sa virus, ayoko pa naman maquarantine baka damay pati pamilya ko.
Tamang tama ay day off ko bukas. Magpapabakuna na lang ako sa malapit na health care center sa amin.
Tama yan Nestor, balitaan mo na lang kami pagkatapos ng iyong bakuna upang maging handa kami.
Oo nga Nestor
Nako akong bahala, magtatanong ako sa doctor.
Kinabukasan..
Eto po ang posibleng side effects ng bakuna, konting pamamaga at pamumula kung saan ka tinurukan, sakit ng ulo, pagkapagod, pagkahilo at kaunting fever. In extreme cases, diarrhea, or nausea.
Doc ano po ang maaaring maging side effects ng aking pagbabakuna?
Ipahinga niyo na lang po muna ang inyong sarili hanggang sa maging normal na ang inyong pakiramdam
Okay po doc, maraming salamat po sa napakahalagang impormasyon. Marami po kasi sa aking kasamahan sa trabaho ang natatakot sa mga side effects ng bakuna.
huwag kayong mag-alala, masasabi ko na normal lamang ito matapos ang pagbabakuna. Nararapat pa din na manatili tayong ligtas sa Covid-19.
huwag mong kalimutan na bumalik para sa iyong second dose.