Unang Sabado, hiniling ni Rebo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kaya nangumbida ng maraming bisita ang kaniyang tatay. Dapat ito ang pinakamasayang Sabado sa lahat.
Samantala, noong Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade kasama ang mga pinsan.
Ikatlong Sabado, Bihira nang ngumiti si Rebo dahil sa unti unti na nitong nararamdaman ang panghihina ng kaniyang katawan. Hindi na niyang makuhang laruin ang beyblade.ngunit hindi niya pa rin ito binitawan sa kaniyang kamay o di kaya'y sa bulsa.
REBO
Ika-apat na Sabado tuluyan ng nakalbo si Rebo. Hindi niya maipasok ang pisi ng beyblade dahil sa ramdam na niya ang pagod at hinihingal na siya sa kaniyang pagsasalita.
Ikalimang Sabado, Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Pebrero saka pumanaw si Rebo.Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha ng kaniyang mga mata, saka niya ibinuga ang kaniyang huling hininga.
Sa wakas, Ika-anim na Sabado, paglabas ni Rebo sa Ospital. Wala na ang beyblade at may ari nito.Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.Magksamang tutungo sa lugar na walang sakit at walang gutom.