Maraming anak ng dugong maharlika ang nanunuyo sa marilag na anak ni Datu Ramilon. Ang mga ito ay maluwag sa loob namang tinatanggap ng mabait na datu.Si Haring Laon ay isang mabait na hari sa lahat ng kanyang nasasakupan.#160;
Kung sino sa inyo ang mamarapatin ng aking anak ay hindi ako tumututol
KASIGLAHAN
Nguni't ang magandang si Kang ay may kasintahan na, ang magiting na si Laon,-na anak ng isang raha sa karatig na baranggay. Isang araw, ang magkasintahan ay nagtapat kay Datu Ramilon
Kung gayo'y humanda kayo't sa pagbibilog ng buwan ay Ipakakasal ko kayo
SULIRANIN
Nagdaos ng isang pagdiriwang ang buong baranggay bilang pasalubong sa pag-iisang dibdib nina Kang at Laon. Ngunit nang pinagbubuklod na ang dalawa. isang tauhan ang humarap sa datu at nagsabing umaahon sa pampang ang isang pangkat ng mga kawal na pinamumunuan ni Datu Subanun ng Palawan.#160;
Kung gayo'y pahandain ang mga kawal sa pagtatanggol.
KASUKDULAN
Nagkalabanan. Dahil so dami ng mga kawal ni-Datu Subanun, ang mga kawal ni Datu Ramilon ay nagapi.
KAKALASAN
Magkasamang tumakas si Kang at Laon upang humingi ng saklolo sa karatig baranggay. Ngunit tinugis sila ng mga kalabang kawal at nang abutan ay pinagsisibat nang walang patumangga. Magkayakap pa nang malugmok ang magkasintahan.#160;
WAKAS
Kinabukasan, sa pook na kinabuwalan ng nasawing magkasintahan ay may lumitaw na isang munting burol.#160;Lumaki nang lumaki, hanggang sa maging bundok na malaki, na nang lumao'y tinawag na Bundok ng Kang at Laon. Nang matagalan na ito'y naging Kanlaon.