Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik Cashethea Raine O. Solano10 - St. Marianne
Nagdaos ng handaan si Quiroga na isang Intsik na negosyante. Ang handaang ito ay dinaluhan ng mga kilalang tao tulad ng mga prayle, mayayaman at tagatangkilik ng kanilang negosyo. Dumalo rin sa handaan si Simoun na lubos na hinahangaan ni Quiroga.
Makinig ka, Quiroga. Maaari kong singilin ang inyong mga pautang. Papuntahin mo sila sa akin kapag pumunta sa iyo at mangutang
Salamat!
Ngunit nagkataon namang kailangan ko na ang siyam na libo pero, pagbibigyan kita, kung pagbibigyan mo rin ang aking kahilingan. Pitong libo na lamang ang iyong ibabayad.
Lahat akieng bigay sa pale!
Gusto kong ilabas mo sa pier ang ilang kahong puno ng mga armas na dumating ngayong gabi. Ibig kong itago mo ito sa inyong bodega. Hindi kasya ang lahat ng ito sa aking bahay
Huwag kang mag-alala. Hindi ka maaano. Ililipat ang mga ito sa mga bahay sa pana-panahon. Magkakaroon ng mga pagsisiyasat at lahat sila ay makukulong. Magkakapera tayo pareho sa paglalabas sa kanila.
Kung hindi mo ito magagawa ay ilalapit ko sa iba. Subalit kakailanganin ko ang siyam na libo para ipansuhol
Sumang-ayon na lamang si Quiroga kahit na siya ay nahihintakutan at takot sa armas dahil ang kanyang rebolber ay hindi niya magawang mahawakan.