Sa bisperas ng pista noong ika-sampu ng Nobyembre sa bayan ng San Diego, Ito ay pinaghandaan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pag didisenyo, paglalagay ng palamuti at dekorasyon sa kani-kanilang mga tahanan. Ang mga mayayaman naman ay naghanda ng mga pagkain upang pasiyahin ang lahat sa pista.
Slayt: 2
Ito’y naging makulay at maingay sa mga paputok na kwitis, pagbatingaw ng kampana, at tugtugan ng mga banda. Nilagyan din ng dekorasyon ang plasa ng San Diego ng arkong kawayan at ang harapan naman ng simbahan ay nilagyan ng tolda. Mayroon din tanghalan para sa papalabasing komedya sa Tundo.
Slayt: 3
Sa isang dako ng bayan, Makikita ang bahay-paaralan na siyang tinatapos; Ito’y pinapagawa ni Ibarra sa pangangasiwa ni Nol Juan. Ang kura na siyang nag boluntaryo na maging padrino at siyang magbabasbas sa paglalagay ng unang bato ay tinanggihan ni Ibarra. Ang bahay-paaralan at may dalawang panig, isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Mayroon din itong lugar para sa pagtatanim at silid sa pag didisiplina sa mga batang tamad.