Aramak
  • Aramak
  • Storyboardlarım

fili

Bir Öykü Panosu Oluşturun
Bu Öykü Panosunu kopyala
fili
Storyboard That

Kendi Storyboard'unuzu oluşturun

Ücretsiz deneyin!

Kendi Storyboard'unuzu oluşturun

Ücretsiz deneyin!

Öykü Penceresi Metni

  • Ang mga mag-aaral ay manonood din ng palabas. Bago ito magsimula, nalaman ni Sandoval na sinuri at sinang-ayunan ng Kataas-taasang Lupon ang kanilang adhikain. Nalaman din ni Makaraig ang pasya ni Don Custodio ukol sa Akademya ng Wikang Kastila mula kay Pepay. Nagkaroon ng kasiyahan at pagbabati sa palkong kinaroroonan ng mga estudyante.
  • Natitiyak kong ang rekomendasyon para sa Akademya ng Wikang Kastila ay nasa panig natin!
  • Nang siya'y pumasok, nakita ni Isagani si Paulita na nasa dulaan na kasama si Juanito Pelaez. Siya ay naguluhan at nakaramdam ng galit. Napag-usapan kasi ng magkasintahan na mauunang manood si Isagani upang masabihan si Paulita kung ang palabas ba ay angkop para sa babaeng tulad niya.
  • Paulita?
  • Nagsimula ang palabas. Ito ay pinamagatang 'Les Cloches de Corneville', isang operata mula Pransya. Ilan sa mga nagtanghal ay sina Serpolette, Gertrude at Germaine.
  • Quoi v'la tous les cancans d'la s'maine!
  • Natapos ang ikalawang bahagi ng palabas. Kinausap muli ni Makaraig si Pepay at siya'y nakatanggap ng letra mula sa mananayaw. Nakasaad sa letra and pagsang-ayon ni Don Custodio sa AWK, ngunit kung iintindihin ang kabuuan ng kanyang pasya, ipauubaya raw ang pagpapatayo ng paaralan sa isang relihiyosong orden kung sakaling hindi pumayagang mga Dominikano na ikatnig ang akademya sa unibersidad. Nadismaya sa balita ang mga estudyante. Ang mga estudyante ay umalis nang hindi pa nagsisimula ang ikalawang bahagi ng palabas.
  • Isang piging kung saan lahat ay magluluksa...O siya. Halina at magdiwang, mga kaibigan.
  • Iminumungkahi pa ni Padre Irene na ipagdiwang natin ang balitang ito sa pagdaraos ng isang piging!
30 Milyondan Fazla Storyboard Oluşturuldu