Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.
Slayt: 2
Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang magsing-irog.
Slayt: 3
Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.
Slayt: 4
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan.
Slayt: 5
Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang.
Slayt: 6
Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.