Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

Ang Alamat ng Buko

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
Ang Alamat ng Buko
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, mayroong isang dalagang nagngangalang Bulyan. Dahil sa sobrang ganda niya, maraming manliligaw sa kanya.
  • Ngunit ayaw ni Bulyan sa kanila dahil mayroon siyang iniibig na lalaki na nagngangalang Koren.
  • Bulyan, mahal ko!
  • May regalo ako para sayo. Itong kuwintas na ito ay simbolo ng aking pagmamahal ko para sayo.
  • Koren!
  • Kayganda nito! Salamat, aking sinta!
  • Halika na Bulyan, mahal, kailangan nating ayusin ang mga handa para sa ating kasal!
  • Bagama't, ang pamilya ni Bulyan ay tumututol sa kanilang relasyon. Gusto nila na mapakasal si Bulyan kay Lucio, ang anak ng pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar.
  • Hinding hindi ako papayag sa inyong pagsasama ni Koren! Ang kasal niyo ni Lucio ay mangyayari pagkatapos ng isang linggo.
  • Ama, parang awa niyo naman po...
  • Tama na, anak ko.
  • Dahil sa sinabi ng ama ni Bulyan, masayang-masaya ang arroganteng Lucio, at pinuntahan niya si Koren at ipinahayag niya ang balita na ito.
  • Bakit mo ba ito ginagawa, Lucio?!
  • Ikakasal na kami ni Bulyan sa susunod na linggo! Natalo ka nanaman, Koren! HAHAHA
  • Sobrang galit ni Koren nang marinig niya yung balita ni Lucio. Nag-away ang dalawa, at namatay si Koren. Lubos ang kalungkutan at galit ni Bulyan.
  • KOREN! Anong ginawa mo sa aking sinta, Lucio?! Patay na siya!
  • Wala akong ginawa, mahal kong Bulyan.
  • Hindi na itinuloy ang kasal. Humingi ang magulang ni Bulyan ng pasensiya sa kanilang anak, subalit wala nang nagbago. Nalumbay si Bulyan. Ilang buwan ang lumipas, at napansin ni Bulyan na nawawala ang kanyang kuwintas na niregalo sa kanya ni Koren. Hinanap niya ito at sa halip na makita ito, ang nakita niya ay isang kakaibang, berde at malaking prutas. Naalala niya tuloy si Koren at pinangalanan niya itong buko.
Över 30 miljoner storyboards skapade