Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

Maria

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
Maria
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • MARIA MAKILING
  • Joaquin Trinidad 10-Benignity Filipino Comic Strip
  • Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.
  • Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.
  • Nakagawian na niya pumunta ng talipapa kasama ang dalawang aeta na katulong niya sa pamilili.Isang araw nagpunta ng talipapa si Gat Dupa ang panginuon sa bayan ng Bai.Nagkasabay sila ng "pagtawad" sa piraso balat ng hayop.
  • Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa talipapa para makita si Maria.
  • Paumanhin Binibining Maria
  • Hindi nagtagal nalaman ng mga magulang ni Maria ang relasyon ni Gat Dula.Galit na galit si Gat Panahon at Dayang Makiling naman ay nalulungkot dahil ang anak nila ay may anak na mortal.Kinuha ang kapangyarihan ni Maria para makisalamuha sa mga tao.
  • Kahit hindi na nagkikita palagi parin binabantayan ni Maria Makiling si Gat Dula.Ipinakita sa kwento na ang dahilan na hindi nagkita uli sina Gat Dula at si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang.
  • Mahal KIta
Över 30 miljoner storyboards skapade