Ah, sir! Importante po ang maging maalam sa kasaysayan because ni-reremember natin ang paghihirap ng ating ancestors. At para ma-understand natin ang ating kultura at identity.
Galing mo mag Taglish.
Si bro ay p'wede na sa Binibining Sansinukob.
Glida: 2
Mahusay ang 'yong sagot. Ngunit gumamit ka ng code-switching. Nalimutan mo na ba ang aking paalala? Hindi ito bilang sa 'yong puntos ng partisipasyon
Klase, alam niyo ba na mahalaga rin ang pagiging maalam sa sarili nating wika? Ito'y ating pinagmamalaki at sagisang ng ating pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon. Banggitin mo ang 'yong sinabi sa tuwid na Tagalog. I-aatas ko sainyo ang Takdang Aralin na kung saan ay kayo ay magsasalin ng mga banyagang pangungusap sa Tagalog. Hindi puwedeng mandaya at maghanap ng tagapagsalin.
Glida: 3
Huy, ang galing!
Ginoo, importante po ang pagiging maalam sa kasaysayan... sapagkat, kinkilala natin ang... paghihirap at... sakripisyo ng ating mga ninuno. Ito rin ay... paraan ng pagkilala sa ating identidad at kultura.
Ang ganda at pormal pala pakinggan ng tuwid na Tagalog! Sanayin na nga natin 'to.