Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo- Zinia Olaño

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo- Zinia Olaño
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt.
  • Sa kasamaang-palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik.
  • Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang Noli ay siyang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
  • Sa kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isang daang pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela.
  • Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang kaibigang si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891.
  • Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura.
Över 30 miljoner storyboards skapade