Lagi nalang nabubugbog si Mui Mui ng kanyang ama tuwing ito ay naaabutan at lasing. Wala naman nagawa si mui mui kungdi tiisin ito at iiyak nalang
Hanggang sa Isang araw, ay umuwing lasing na lasing at galit na galit ang ama ni Mui Mui, sa kasamaang pald ay naabutan nanaman nya si Mui Mui. Walang tigil ang pambubog bog nito kay Mui Mui. Ang kawawang si Mui Mui naman ay walang nagawa kundi tanggapin nalang ang bawat sipa, suntok at paghila sa kanya ng kaniyang ama.
Nang iwan na si Mui Mui ng kanyang ama ay madami na syang pasa at sugat sa kahit anong parte ng katawan nya. Iniwan sya doon ng kanyang ama at hindi binalikan pa. Dahil sa labis na kalungkutan ay parang nawala ng gana si mui mui na mabuhay at doon....
Makalipas ang di- tiyak na panahon, hinanap ng ama ang kanyang anak na si Mui Mui. kahit saan. hanggang sa nabalitaan ny nalang na ito ay pumanaw na. Labis ang pagsisisi ng ama sa kanyang nagawa. sinisisi nya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. ngunit huli na ang lahat.
Simula noon ay nagbago na ang ama at natuto na syang pahalagahan ang mga anak nya. lagi na din silang pumupunta sa puntod ni mui mui upang patuloy na mag sisi.