Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

sandaang damit

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
sandaang damit
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • May isang batang magaaral na mahirap. Malimit siyang nag-iisa at palaging walang imik. Laging nakayuko, mailap ang mga mata at sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Naging mahiyain siya dahil malimit siyang pagtawanan ng kanyang mayayaman na kaklase sapagkat ibang iba ang kasuotan at baon niya sa mga ito. Sila ay may masasarap na baon habang siya ay isang tinapay lamang na karaniwa'y walang palaman. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang baon at damit.
  • sinungaling! ipakita mo muna saamin para kami ay maniwala!
  • hindi ko maipapakita at maisuot dahil baka maluma agad, ilalarawan ko na lamang
  • alam niyo, ako’y may sandaang damit sa bahay!
  • Sa tuwing umuuwi sa kanilang bahay ang batang babae ay sinasabi niya sa kaniyang ina ang kaniyang dinaranas na paghihirap sa paaralan. Totoong nahahabag ang kaniyang ina sa ginagawa ng mga kaklase kaniya. Iminumungkahi na lamang niya ang kaniyang anak nabibilhan na lamang siya ng modernong damit at masarap na pagkain kung makakakuha na ng trabaho ang kaniyang ama. Ngunit habang tumatagal, hindi pa rin gumaganda ang kanilang buhay dahil hanggang ngayon ay wala pa ring maayos na trabaho ang kaniyang ama.
  • Ngunit ang bata'y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan at natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Siya ay laging masaya kapag pumapasok sa eskwelahan at tanggap na ang estado nila sa Buhay. Ngunit isang araw Ang kanyang mga kaklase ay tinutukso nanaman siya.
  • At sinimulan na niya ang paglalarawan, Inilarawan niya ang bawat sandaang damit kasama pati ang maliliit na detalye nito. Siya ay mayroong iba't ibang uri ng damit para sa iba't ibang okasyon. Siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang tagapakinig. Naging masiyahin man siya, ngunit kasabay nito ang kaniyang patuloy na pangangayayat.
  • Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang batang babae. Isang araw ay nagpasya silang dalawin ito. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Lumapit sila sa isang sulok na kung saan nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit.
  • Nalaman ng mga kaklase ang kalagayan ng batang babae, labis na pag kalungkot at awa ang kanilang naramdaman at pagsisisi sa pangungutya nila sa batang babae. Napagplanuhan nilang bumawi kaya nang malaman nila kung kailan ang kaarawan ng batang babae, kaagad nilang napagdesisyonan na tuparin ang inilarawan niyang damit noon na isang pantulog, pansimba at pandalo sa pagtitipon, para kahit papaano ay makabawi sila kahit sa maliit na paraan sa pagkakamali nila sa batang babae.
Över 30 miljoner storyboards skapade