Tanyag si Mullah Nassreddin sa kanilang bansa dahil sa kaniyang kahusayan sa pagkukwento ng purong katatawanan ngunit kapupulutan ng aral. Ang naiambag din nito sa kanilang lipunan ay libo-libong kwento ng katatawanan na dahilan kung bakit siya tinaguriang Alamat ng Sining sa Pagkukwento.Puno ng katatawanang estilo sa pagsusulat at pagiging mapagbiro ang tinataglay nito, kaya't naanyayahan si Mullah Nassreddin sa pagtitipon upang makapagbahagi ng isang talumpati.
Nagtanong si Mullah Nassreddin sa kaniyang pagsisimula...
Wala po kaming ideya.
Alam ba ninyo ang aking nais iparating sa inyo?
at siya'y lumisan na.
Kung ganun, wala akong panahon na ilalaan upang magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin.
Ang mga tao ay napahiya sa nangyari. Kaya, kinabukasan nito ay inimbitahan muli si Mullah Nassreddin upang magsalita.
Opo, alam na namin.
Pagkatapos niyang tugunan ang mga tao, siya'y muling umalis.
Alam ba ninyo ang aking nais iparating sa inyo?
At dahil mayroon na kayong ideya kung ano ang aking ibig ipabatid, wala na akong sasayangin pang oras at pagkakataon upang magsalita.
Nalito at nataranta ang mga taong nakikinig sa kaniyang harapan sa naging tugon niya sa kanilang sagot. Dahil doon, sinubukan nila muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang makapagbahagi ng pahayag.
Hindi po.
Muli kong tatanungin, alam ba ninyo ang aking sasabihin?
Opo, alam namin.
Inihanda ng mga tao ang kanilang isasagot sa tanong ni Mullah Nassreddin. Kaya, ang kalahati ay sumagot ng Hindi, at ang kalahati ay nagsabi ng Oo.
Kung kaya't si Mullah Nassreddin ay muling nagsalita.
Tumugon si Mullah Nassreddin sa naging sagot ng mga tagapakinig...
At sa huling pagkakataon, siya'y lumisan na ng tuluyan.
Alam ng kalahati ang aking nais iparating, kaya't kayo na ang bahalang magsabi sa kalahati na hindi alam ang aking sasabihin.
Över 30 miljoner storyboards skapade
Vi använder cookies för att säkerställa att du får den bästa upplevelsen. Integritetspolicy