Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

AP peta

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
AP peta
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • Alam mo bang marami ring estudyanteng tulad mo ang gumagawa ng mga proyekto? Yung iba sa kanila tinitipid at pinagkakasya ang kanilang pera para makagawa, ikaw naman ay simpleng pagkakamali lang na pwede pang maayos o magamit ulit ay tinatapon mo na agad
  • Grabe ka, alam mo bang maraming prosesong pinagdadaanan ang mga sinasayang mo? Tulad ng papel, pinuputol ang puno, dinadaan sa sektor ng industriya at gagamitan ng makina para maging papel. Ang daming proseso niyan tapos sinasayang mo lang. Dapat iniisip mo rin kung gaano kahirap gawin ang isang bagay bago mo gamitin o ikonsumo
  • Sana naman isipin mo rin ang hirap ng kapwa tao mong nagtatrabaho para may maipagbiling produkto na tutugon sa pangangailangan mo. Hindi kalakihan ang kanilang kita, sakto lang ito para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isa pa ay ang materyales na ginagamit para sa mga ito, alam mo namang sigurong may limitasyon ang lahat sana naman matuto ka na gamitin ito nang tama.
  • Yan, tama yan. Matuto ka sa iyong mga pagkakamali at gumawa ka ng paraan para maitama ang pagkakamai na ito. Normal lang sa buhay ng tao na magkamali basta wag paulit ulit sa iisang pagkakamali. Dapat kapag nagkamali ka ay itama mo ito at wag na uulitin pa, alam mo na mali pero uulitin mo pa rin, di naman tama yun. Okay lang yan CJ, ang mahalaga ay natuto ka
  • Pasensya na kuya, hindi ko na realize agad ang mga pinag gagawa ko. Mag titipid na ako at magiging maparaan sa susunod. Dapat pala matuto akong magplano muna ng aking gagawin ko bago ako gumawa para hindi ako pauliit ulit. Napakahirap din pala ng pinagdadaanan ng mga manggagawa ng mga produktong sinasayang ko, nakakaguilty naman. Mag iingat na ako at gagamitin ang mga ito sa maayos at planadong paraan sa susunod.
  • Tama yan CJ, habang bata ka ay matuto ka at mamulat sa mundong iyong ginagalawan. Maganda yan dahil sa murang edad pa lang ay nalalaman mo na ang ganyang bagay. Masaya ako na natuto ka mula sa aking mga sinabi. Ano ba ang ginagwa mo? tutulungan na kita dahil sabi nga nila, mas mapapabilis ang gawain kung magtutulungan.
  • Maari pala akong makatulong sa pagtangkilik at pag gamit nang tama sa mga produkto na gawa ng kapwa ko tao. Simula ngayon ay mas pag iisipan ko ang aking mga desisyon upang hindi na ulit ako magkamali. Salamat kuya ay itinama nyo ang aking kamalian
Över 30 miljoner storyboards skapade