Sök
  • Sök
  • Mina Storyboards

Unknown Story

Skapa en Storyboard
Kopiera denna storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Skapa din egen storyboard

Prova det gratis!

Storyboard Text

  • Nang tumugtog ang misa de gallo, si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Huminto si Basilio sa harap ng bunton ng mga bato. Dito nakalibing ang kanyang mahal na ina. Naupo si Basilio sa isang bato. Binulay-bulay niya ang pinagdaanan niyang buhay. Labintatlong taon na ang nakalilipas nang mamatay ang kanyang ina samantalang ang buong daigdig ay nagsasaya.
  • Isang lalaking di niya kilala ang dumating doon. Sugatan at di na halos makagulapay. Iniutos nito kay Basilio na sunugin ang kanyang bangkay gayun din kay Sisa. Sumunod si Basilio datapwa't dinatnan niya sa piling ng bangkay ng unang lalaki ang isa pang di-kilalang lalaki. Tinulungan siya nito sa pagsunog sa bangkay at sa paghukay sa paglilibingan ng kanyang ina. Binigyan siya ng kaunting salapi at iniutos na lumayo na sa pook na iyon.
  • Lumuwas sa Maynila si Basilio upang magpaalila at makapag-aral tulad ng ibang kabataan. Dumulog siya sa bahay-bahay ngunit walang tumanggap sa kanya sapagkat napakaaba ng kanyang ayos. Makailang ulit niyang binalak na pasagasa sa mga kabayong mabilis na nagdaraan na may hilang karwahe.
  • Ngunit pinalad din si Basilio. Minsan nakita niya si Kapitan Tiyago lulan ng karwahe, kasama si Tiya Isabel. Kapapasok lamang noon ni Maria Clara sa monasterio. Lungkot na lungkot ang matanda kaya tinanggap si Basilio bilang utusan - walang bayad ngunit pag-aaralin siya sa San Juan De Letran kung kailan niya ibigin.
  • Makaraan ang ilang buwan, nag-aral na si Basilio at sa loob ng walong buwang pag-aaral, ang tanging naging usapan nila ng kanyang guro ay ang pagsagot niya ng adsum kapag binasa na ng guro ang kanyang pangalan sa talaan ng mag-aaral.
  • Sa kabila ng mga suliranin, naisaulo ni Basilio ang kanyang mga leksyon kahit hindi niya nauunawaan ang karamihan doon. Nagsikap siya at nag-aral ng mabuti, lahat ng aralin ay kinabisado niyang mabuti ultimo tuldok at kudlit. Naipasa niya ang pasalitang pagsusulit na halos hindi tumitigil at humihinga sa pagsasalita. Walang gatol at walang pagkakamali siya sa pagsaulo at pagbibigkasng mga leksiyon sa harap ng klase.
Över 30 miljoner storyboards skapade