Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna ay maganda.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Mabilis inanod ng tubig ang aking tsinelas kaya hindi ko na nakuha muli.
Ang aking tsinelas!
Ako'y naging malungkot at nag-alala dahil iniisip ko na ang aking ina ay magagalit dahil sa pagkawala ng tsinelas ko.
Ako'y tiningnan ng nagsasagwan sa bangkka nang dali-dali kong itinapon sa dagat ang naiwang tsinelas ko.
Sana sumabay ito sa kapares niyang tsinelas.
Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?
Marahil naunawaan ng mama ang mga batang katulad ko.
Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.