Ina, may takdang aralin po kami tungkol sa pagiging aktibong mamamayan sa panahon ng pandemya. Ano po iyan?
Tara, turuan kita habang mag grocery tayo. Una, dapat tayong magsuot ng face mask.
Ang pagiging aktibong mamamayan ay madali lamang, dapat na gumawa at kumilos ka ng tama at mabuti para  sa iyong sarili, kapuwa, at bansa. Ang pagsunod sa mga batas at protocols ay kasali rito, ang pag social distancing ay ginagawa upang hindi tayo makahawa sa isa't isa.
Pahingi po ng alcohol ina.
Isa rin na dapat gawin ay ang pag sanitize upang mawala ang mga dumi na maaari nating nakuha sa ating mga hinawakan.
Iba pang mga importanteng hakbang sa pagiging aktibong mamamayan ay ang pagbili ng mga sariling produkto at pagbayad ng tamang buwis upang makatulong na umunlad at pabutihin muli ang ating ekonomiya mula sa hirap na dulot ng pandemya.
Heto, magbabayad na tayo upang maka-uwi na tayo.
Kailangan parin natin sumunod sa batas gaya ng pagtawid sa pedestrian lane. Importante itong lahat dahil makakatulong ito sa sarili, kapuwa, at sa bansa lalo na ngayong panahon. Dahan-dahan lang tumawid ah.
Ngayo't naka-uwi na tayo, ang huli ay ang pagtapon ng ating basura sa tamang lalagyan. Itatapon natin ang ating ginamit nating mask sa basurahan at hindi kung saan-saan upang maalagaan natin ang ating kapaligiran.
Salamat po Ina!
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
We use cookies so you get the best experience, Privacy Policy