May isang malikhain na brotsa ang napadpad sa bayan ng Sigla.
Na pansin ng brotsa na tila walang buhay ang bayan at kulang sa emosyon ang mga mamamayan. Ngunit hindi nito alam kung bakit ganoon ang bayan ng Sigla.
Sila ay dating masigla at makulay na bayan. Ngunit, nasawi ang kanilang pinakamamahal na hari. Dahil dito, hindi na natuloy ang pagiging masigla ng bayan, dahil sa kalungkutan.
Ang misyon ng brotsa ay kulayan ang bayan at ibalik ka kasiglaan nila. Ngunit, hindi pinayagan ng mga mamamayan. Sapagkat sa tingin nila ay hindi na kailangan ng kulay ang kanilang bayan kung wala namang namumuno.
Kaya nag desisyon ang brotsa na maging hari ng bayan ng Sigla sa loob ng tatlumpung araw lamang. At siya ay magkakaroon ng karapatang ayusin ang bayan. At kung magugustuhan ng mga mamamayan ang pamumuno nito, siya na ang magiging hari ng bayan ng Sigla.
Sa huling araw ng pamumuno ng brotsa, ipinakita nito ang kanyang nabago at nagawa. Nagulat ang mga mamamayan at sa wakas nagkaroon ng emosyon ang kanilang mga mukha. At nagdesisyon na rin sila na ang brotsa ang magiging kanilang bagong hari. At namuno ang malikhaing brotsa sa isang masigla na bayan.