Nanaginip si Don Fernando na binubugog ang kaniyang mahal na anak na si Don Juan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nangyari ang panaginip ng hari! Magugunita na ang mga kapatid nitong sina Don Pedro at Don Diego ang nagsagawa ng masamang balak sa sariling kapatid.
Sa muling pagbabalik ng dalawang taksil na kapatid ni Don Juan sa palasyo ay dala-dala ng mga ito ang Ibong Adarna. Sa pag-awit nito'y nalunasan ang karamdaman ng mahal na hari ng Berbanya.
Matapos ang mahabang paglalakbay ni Don Juan upang maparoon sa Reyno De Los Cristales ay nasaksihan niya ang isang marikit na binibining naliligo sa ilog, ito'y walang iba kundi si Donya Maria, ang mahal na anak ni Haring Salermo.
Madaming hinarap na pagsubok si Don Juan, isa na rito ang paghahanap sa nawawalang singsing ni Haring Salermo. Sa pagsubok na ito ay naputol ang dulo ng daliri ni Donya Maria sa pagtadtad sa kanya ni Don Juan kung kaya't ito ang naging pagkakakilanlan ni Don Juan sa kanyang irog.
Noong tumakas ang mag-irog upang magtungo sa Berbanya, sila'y hinabol ng hari upang pigilan ngunit siya'y nabigo. Ang haring nabigo, isinumpa ang anak dahil nagawa nitong kataksilan. Isinumpang malimot ng sinta pagsapit sa Berbanya't magpakasal sa iba.
Ang sumpa ay nabasag, dahil sa pusong di nabulag ng sumpa. Sa huli'y nagpakasal ang dalawang pares ng mag-irog na sina Don Pedro't Leonora , Don Jua't Maria. Bumalik sina Don Jua't Maria sa palasyo't namuno bilang dakilang hari at reyna.
Over 30 Million Storyboards Created
We use cookies to ensure you get the best experience. Privacy Policy