Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugau-sugat dming makikinis na pangarap. Mga manika kaming tinusoK-tusok ng dng panginoong nasa malayong tore. Nilinlang kami ng mangkukulam na mga lagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain-- ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol, isa rin siya sa nagdilig ng sarili niyang dugo.
  • Kinuha na nila ang ating mga lupain. wika ng aking ina sa aming lengguwahe, limang dekada na ang nakararaan. Nagkasakit din siya at sumunod sa aking ama. Ako na lamang mag-isa. Hindi, may natira pa sa akin. At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang malilit na bote na may lamang lupa. Isang hapon, nang nabalitang magpupunta rito ang mga lagalog na may mahahabang baril, pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote. Utos to ni gob...binili na ito ni gob! sabi ng mga Tagalog.
  • Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod. May mga pagkakataon na kami'y nagkuwekuwentuhan na parang 'mag-ina, siya daw ay di ligawin ng mga lalake noong Junior High. Ang mga gusto nito ay mga cheerleader type. They stuff crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger. At kami'y tumawa. Umalog ang bote na nasa aking bulsa. Bukas, bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako'y inanyayahan upang parangalan. Ako'y matanda na, ngunit, hindi ako' nakalilimot sa aking kinagisnan.
Over 30 Million Storyboards Created