Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig, at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.
Ang Paghuhukom: Kabanata 5
Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ng pangunahing tauhan na si Fak ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak.
Ang Paghuhukom: Kabanata 5
“Kalimutan mo na iyon!”
Ang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na iyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig.
Ang Paghuhukom: Kabanata 5
Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo.
Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay nangyari nang napawi ang kagustuhan niyang makapaghiganti. Isa siyang tao na ang gusto’y kapayapaan at walang sapat na kalupitan para pumatay. Naisip na lang niya: “Kalimutan mo na iyon!”
Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad ng isang piraso ng salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari’y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili’y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati. At dito nagwawakas ang komikstrip tungkol sa “Ang Paghuhukom.”