Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Alamat ng Ibong Kuwago

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Alamat ng Ibong Kuwago
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Noong unang panahon sa isang payak na lugar, ay may nakatirang batang lalaki na nagngangalang Cua. Siya ay lumaking matalino, masipag, matulungin at mabait, kahit sya ay ulilang lubos na.
  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Si Cua ay nag-aaral sa sikat na paaralan sa tulong ni Father Gaspar na kumupkop sa kanya. Dahil dito, sya ay kinainggitan ng ibang bata. Ngunit hindi nya ito binigyang pansin.
  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Dahil sa kanyang pagbabalewala sa mga pang-aasar ng kanyang mga schoolmates, lalo silang napikon kay Cua. Hanggang sa humantong na sa pananakit ang kanilang galit.
  • Ang Alamat ng Ibong Kuwago
  • Dahil sa bigat ng kanyang nadarama, isang gabi ay taimtim syang nagdasal. Inihinga nya sa Diyos ang lahat ng kanyang hinanakit. Mga hinanakit na kanyang inilihim kay Father Gaspar, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay alam ni Father Gaspar na may bumabagabag sa kanya. Ipinagdasal ni Cua na sya ay bigyang kalayaan ng Maykapal.
  • Nakatulog si Cua nang may luha pa sa mga mata, ngunit ang pakiramdam nya ay gumaang na. Habang si Father Gaspar ay malungkot na pinagmamasdan si Cua sa kanyang pagtulog. Nahiling na lang nya na pakinggan ng Maykapal ang kanyang panalangin. Nag-aagaw tulog pa lamang si Father Gaspar, nang sya ay makarinig ng kakaibang tunog.
  • Sa kanyang pagkagulat, isang naiibang ibon ang kanyang nakita. Kinuha nya iyon at ipinakita kay Cua. Ngunit si Cua ay di nya makita. Tuluyan nang naglaho si Cua sa pagsulpot ng ibon, nahinuha nya na si Cua ang ibong nasa kanyang pangangalaga at ito ay kanyang pinalaya. Paminsanminsan ay dumadalaw ang ibon sa kanya at di naglaon, ito ay tinawag nyang ibong Kuwago bilang pag-alaala kay Cua.
Over 30 Million Storyboards Created