Sa isang palasyo ay may naghahapunan “mga anak, ako ay malapit nang pumanaw at iisa lamang sa inyo ang kinakailangan na maging hari” pautal-utalna sambit ng hari “ama huwag mong sabihin iyan, gagaling ka pa at lalakas ka pamaaaring ikaw ulit ang mamuno sa lahat” sagot ng panganay na anak na si Seul “kuyahayaan mo na kung gustong mamahinga ng ama, kung ayaw mong mamuno sa kaharianpuwes kaya kong gampanan yon” sagot ni Byul na bunsong anak.
Kumuloang dugo ni Seul sa kaniyang narinig “ano?! Hahayaan mo na mamatay ang ama? Anongklaseng anak ka!” sambit na galit ni Seul at mulanoon nag karoon ng galit ang magkapatid sa isa’t isa at araw-araw ang bangayan.
Nung gabi ay napag usapan ng hari at reyna na mas maigi kung ipapatingin nila sa manghuhula ang dalawa, dito malalaman kung kanino naka atas ang pagiging hari ngunit sa bundok naka tira ang babaeng manghuhula. Kaya dali daling naglakbay ang dalawa kasama ang limang kawal sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay biglang umulan mabuti ay may kubo silang nakita at nagpatila muna doon ng ulan at inabot na sila ng dilim kakahintay na tumila ang ulan
Pagsapit ng liwanag ay saka sila nagpatuloy maglakbay hanggat sa na-abot nila ang bahay ng babaeng manghuhula na si Aling Grata. “oh mga iho na anak ng hari tumuloy kayo” pagbati ni Aling Grata sa dalawang prinsipe “magandang umaga po Aling Grata, kayo daw po ang kilalang manghuhula dito sa atin at napunta po kami dito upang magpahula kung ano ang mangyayari sa aming kinabukasan” sabi ng panganay na anak “ahh ganon ba, sige lahika dito at ikaw ang una kong titignan”
Sinabihan ni Aling Grata ang mga kawal at sa oras na ito ay mangyari agad silang tumakbo sa palasyo. Pauwi na sila at nahahalata ng dalawang prinsipe na takot na takot ang mga kawal at kulang sila ng isang kawal ngunit hindi na lamang nila ito pinansin nang biglang gumuho ang lupa sa lambot nito dahil umulan, naka hawak sad ulo ang dalawang magkapatid at humihingi ng saklolo ngunit ang mga kawal ay naunang nahulog sa mga batuhan.
Ang nawawalang kawal ay naghanda ng mga kawayan upang ipang salo sa mahuhulog na prinsipe “sinabihan kami ng matanda na walang solusyon ngunit hindi naman masama na subukan silang iligtas. Kaya’t kanina ay humiwalay ako at dali daling nag handa” isip ng kawal. At dinala niya ang dalawang prinsipe sa kaharian, ngayon ay nabigyan ng parangal ang kawal. Ipinaubaya ng bunsong prinsipe ang trono sa kaniyang kapatid na maging hari.