Sa paglaon ng panahon di nakaiwas sa kritisismo ang Pilipino bilang wikang Pambansa kaya naman noong 1972, Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Sek. 3 Blg. 2 na ang wikang Pambansa ay tatawagin ng Filipino na bukas sa iba't-iba pang mga wika na ginagamit sa buong bansa. At ito na nga ang naging wikang Pambansa natin hanggang sa kasalukuyan.
At noong Enero 1987, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pangulong Cory Aquino ay nilikha ang LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
Hindi ito naging katanggap tanggap sa mga Pilipinong nagsasalita ng iba pang mga wika. Kaya naman mula sa Tagalog ipinalit ang Pilipino bilang wikang Pambansa noong 1959 para mailayo ito sa Tagalog na isa lamang sa mahigit 180 na wika sa bansa.