Camille, ano itong na babalitaan kong gusto mo raw maging guro? Anong magiging kinabukasan mo doon? mag doktor ka nalang, yung pinsan mo abogado na, malaki ang kita.
Matagal ko na pong pangarap maging isang guro, tita. Nais kong matulungan ang mga bata na mag karoon ng maayos na edukasyon, lalo na po yung mga batang hindi masyadong nabibigyang pansin ng gobyerno.
Ahh basta, wala kang maipupundar at mararating diyan sa tinatawag mong "pangarap".
Hayaan mo na ang bata. Iyon ang nais niya eh.
Nag sasabi lang ho ako ng totoo nay, saan ka nakakita ng gurong mayaman? Eh napaka liit ng sahod nila, gusto pa niya atang mag trabaho sa labas ng maynila.
Itikom mo nga yang bibig mo Marites, mabuti pa ang apo ko may pangarap, eh ikaw puro bulakbol lang ang ginagawa mo noong nag-aaral ka, ilang beses pa nga kitang sinundo sa kulungan dahil napaka suwail mo!