Ngunit, paglipas ng maraming panahon unti-unti nagsimulang sumaway ang mga tao sa utos ni Lagrima. Sa tingin nila, wala naman daw mangyayari kahit sila ay sumunod o hindi.
Napapansin mo ba Physis ang pagdami ng kalat sa ating tahanan?
Dapat nating balaan ang mga mamamayan sa masamang balitang ito.
Oo natura, kakagaling ko lamang sa silangang bahagi ng Barro Verde marami akong nakitang putol na puno at mga sangang nakakalat sa daan. Nababahala ako natura sa maaaring mangyari!
Bahala kayo wala ng makikinig sa inyo kung di ang inyong mga sarili!
Tama na Physis at Natura. Wala naman sigurong masamang mangyayari kung pumutol tayo ng mga puno. Para naman yun sa ating mga pangangailangan. Yang mga basura natural nayan hindi naman tayo ipapahamak ng maliit na bagay nayan!
Pero, hindi napapalitan ang mga punong napuputol. Kaunting panahon lamang makikita natin ang gubat na kalbo at wala na ang likas na ganda nito.
Tama si Physis at saka ang mga basura ay masama para sa ating kagubatan, kung hahayaan natin itong magkalat sa gubat at mga yamang tubig malaki ang epekto nito sa atin.
Muling nagkalat ang basura, tuloy-tuloy ang pagputol ng puno, at hindi na nila inalagaan ang mga hayop at halaman. Ang mga tao ay nagkamali at hindi nila inaasahan ang parusa na darating.