Unang Sabado, ng hilingin ni Rebo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa ito ang araw.
Happy Birthday,Rebo!
Ikalawang Sabado, Naki-bertdey naman si Rebo, Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Ikatlong Sabado, Ang katrabaho ng Ama ni Rebo ay nangumbida ng maskot. Matapos nitong magtanghal ay di man lang makangiti si Rebo ngunit kita sa mga mata nya ang kasiyahan.
Ikaapat na Sabado, Di na maikakaila ang pagkapawi ng lakas ni Rebo pagkasapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya kahit dalhin sya sa isang karnibal, isa lang ninais nyang sakyan.
Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.
Ikalimang Sabado, Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng pebrero ay pumanaw ang aking anak.