Marami ang naapektuhang Pamilyang Pilipino dulot ng Covid 19 Pandemic. Marami ang nawalan ng trabaho.
Isa na ang Pamilya namin, ang dating kinikita ng Magulang ko na sapat sa aming pangangailangan sa araw araw ngayon ay kulang na kulang na dahil tatlong araw nalang ang pasok nila sa trabaho.
Di pa naman natin tuluyang nalalagpasan ang suliraning ito pero masasabi kong sa pamamagitan ng pag papa bakuna, pag iingat sa lahat ng oras, at pagsunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng ating pamahalaan at ng World Health Organizations ay unti unting maiibsan ang suliraning ito nating bawat Pilipino.
Ang mga aral na nais ipabatid ng suliraning ito sa bawat kasapi ng Pamilya ko at ng buong Pilipino, ay mag iingat sa lahat ng oras, magtulungan, pagdadamayan ng bawat isa, pagmamahalan ng buong Pamilya , pagkakaisa ng buong Bansa, pagsunod sa lahat ng health protocols para sa ligtas at malusog na pangangatawan ng bawat kapamilya sa buong pamayanan at higit sa lahat ay sama samang pagdarasal sa ating PoongMay kapal dahil naniniwala akong tayo’y kanyang tutulungang mapuksa ang suliraning ito.
Over 30 Million Storyboards Created
We use cookies to ensure you get the best experience. Privacy Policy