At sa wakas, nakarating din siya sa kaniyang paroroonan. Labis na pagtataka ang kaniyang naramdaman at nasundan ng galit dahil isang kuwadro na gawa sa kahoy lamang ang kaniyang nakita. Dali-dali siyang lumapit sa kuwadro at pinatid niya ito nang napakalakas.
Wala kang kwenta!
Sino ka ba? Hindi ako natatakot sa 'yo.
Biglang may malalim na boses ang nagsalita. Hindi nakinig si Bubo sa kaniya. Dahil siya si Bubo, makulit at matigas ang ulo, pinatid niya ulit ang kuwadrong gawa sa kahoy.
Lumayo ka rito, bata. Hindi mo ito pag-aari.
Kapag pinatid mo pa ulit ang mga bagay na pag-aari ko ay magsisisi ka.
Ang dating bata na si Bubo ay tinawag nilang "Bubong" dahil sa estruktura nito na tumatakip sa pang-itaas na bahagi ng isang bagay, na ngayon ay tinatawag na nating "Bubong ng Bahay".
Sa hindi makalamang dahilan ay si Bubo na isang binata ay naging panakip butas sa kuwadrong gawa sa kahoy. Lumipas ang panahon ay nalaman din ng kaniyang ina na may masamang nangyari sa kaniya.Labis na pagkalungkot at pagluksa ang nadama niya.