Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Aking Alamat

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Aking Alamat
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Pwede mo bang bawasan ang iyong pag-iingay, Ayelie? Nakakarindi na kasi masyado ng malakas ang iyong boses. Kaya naiinis sayo si Nico eh.
  • Hi Kylie! Hi Nico, kumusta? Alam nyo ba, kanina ang ulam namin ay pritong itlog, si nanay ang nagluto. Pagkatapos naming kumain ay nanood ako ng telebisyon. Nakakatawa nga ang cartoons na napanood ko kanina hahaha. (nag-patuloy ang pagkkwento ni Ayelie ng kung ano-ano).
  • Ayelieee!! Bumili ka nga ng toyo at suka sa kabilang kanto!!
  • AAAAAAAAA NANAY!! TULONGGG!!
  • Isang araw, si Ayelie ay naglalaro kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Nico at Kylie. Si Ayelie ay isang maingay na bata na hindi nya kayang hindi magsalita ng kung ano-ano. Masayang naglalaro ang magkakaibigan ngunit si Nico ay nainis dahil sa sobrang ingay ni Ayelie. Pinagsabihan ito ni Kylie na wag masyadong maingay dahil nakakarindi ang boses nito kapag masyadong maingay at malakas ang kaniyang boses. Hindi naman ito pinansin ni Ayelie.
  • AAAAAA!! Ayelieee, ano yang lumabas sa katawan mooo??
  • Kinabukasan, inutusan sya ng kaniyang nanay na bumili ng toyo at suka, ngunit hindi sya narinig dahil sa sobrang ingay nito. Nagalit ang nanay dahil nakailang tawag na ito kay Ayelie at wala pa ring sumasagot.
  • Napapansin na ng kaniyang nanay na hindi talaga kaya ni Ayelie na manahimik kaya ikinulong nya ito sa isang kwarto. Iyak nang iyak si Ayelie dahil sya lang mag-isa sa kwarto at walang makausap. Ilang araw ang nakalipas, sumisigaw nang napaka-lakas si Ayelie dahil sa tuwing magsasalita sya ng walang tigil ay parang may tumutubo na isang bagay sa mga parte ng kaniyang katawan. Tiningnan naman agad ito ng kaniyang nanay at nalaman nilang torotot pala ang lumalabas sa mga parte ng kaniyang katawan kapag ito ay nagiingay.
  • Kinabukasan, nagpaalam si Ayelie sa kaniyang nanay na makikipaglaro sya kila Nico at Kylie. Pinaalalahanan sya muna ng kaniyang nanay bago payagan na wag magingay kasi may lalabas ulit na torotot sa ibat ibang parte ng kaniyang katawan. Ngunit, habang nakikipaglaro sya ay nakalimutan nyang bawal pala sya mag-ingay, kaya sya ay nag ingay nang nag ingay. Laking gulat ni Nico at Kylie na may lumabas na torotot sa palad ni Ayelie. Tinanong ng dalawa kay Ayelie kung ano ang nangyari at kinwento nya ito sa kanila.
  • Hindi makapaniwala ng dalawa sa kinwento ni Ayelie. Sabi ng dalawa ay tutulungan nila si Ayelie na huwag makapag-ingay.
  • Sa tuwing maglalaro sila, pinapaalalahanan na nila Nico at Kylie na huwag masyadong magsalita dahil baka may torotot na naman na lumabas sa mga parte ng katawan niya. Minsan nalang nakakapag-ingay si Ayelie dahil nasanay na sya na hindi magingay, dahil ito sa tulong ng kaniyang dalawang kaibigan na si Nico at Kylie. Dito nagtatapos ang kwentong "Alamat ng Torotot".
Over 30 Million Storyboards Created