Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Alamat ng Aklat

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Alamat ng Aklat
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, mayroong isang binata na ang pangalan ay Aklas na nakatira sa Bayan ng Libirat. Siya ay mabait at matulungin, laging ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang iba. Ngunit hindi siya matalino, lagi siyang pinapahiya at pinapagtawanan ng lahat dahil dito.
  • Isang araw, habang nangangaso siya sa kagubatan, isang kakaibang ibon ang nakita ni Aklas. Maganda at kaakit-akit ang kulay nito, nabighani si Aklas sa kagandahan nito. Naalis siya sa kanyang ulirat ng marinig niya ulit ang paghuni ng ibon natila humihingi ng saklolo. Napansin niya na naipit ang paa nito sa pinakamataas na bahagi ng isang puno at tinulungan niya ito.
  • Nagulat siya nang biglang nagbagong-anyo ang ibon, tumambad sa harap niya ang isang napakaganda at napakaputing babae. “Isa kang diwata” namamanghang tanong ni Aklas. "Matagal na kitang sinusubaybayan, Aklas. Alam ko na ikaw ay isang mabuti at matulunging binata kahit lagi ka nilang nililibak, tinutulungan mo parin sila. Dahil sa busilak ng puso mo, inihahandog ko ito sa iyo.”-Isang maliit na batong parang brilyante ang lumitaw sa palad ng diwata. “Lunukin mo ito, makukuha mo ang kalahati ng aking kaalaman” nakangiting sabi ng diwata.
  • Nang maiabot sa kanya ng diwata ang bato ay bigla itong naglaho. Nilunok ni Aklas ang maliit na bato at biglang pumasok sa ulo niya ang halos lahat ng mga nalalaman ng diwata.
  • Umalis na siya sa gubat at bumalik sa kaniyang bayan, dahil taglay na niya ang kaalaman ng diwata, siya ay naging tanyag at pinakamarunong sa kanilang bayan. Dahil dito, nakaimbento siya ng iba’t-ibang bagay at nakatulong sa maraming tao. Ginagamit niya ang kaniyang kaalaman sa mabuting gawain, nagkaroon siya ng maraming kaibigan at hindi na siya pinagtawanan.
  • Dahil gusto niya din maibahagi ang kanyang kaalaman, naisipan niyang itala ito sa isang inimbento niyang sulatan mula sa papel na gawa mula sa puno at pinagbuklod itong dalawa ng balat ng hayop, isa sa harap at isa sa likod, Itinatawag niya itong Aklat mula sa kanyang pangalan na Aklas. Lagi niyang dala-dala ang kanyang aklat dahil mahilig siyang magsulat ng mga ideya o mga imbensyon na gusto niyang gawin at maibahagi sa iba.
Over 30 Million Storyboards Created