Search
  • Search
  • My Storyboards

Group 4: Ibong Adarna Story Board

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Group 4: Ibong Adarna Story Board
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • GROUP 4
  • Mahal na Birheng Maria kami po ay humihingi ng gabay upang magawa po namin ng maayos ang aming tungkulin na iniatas sa aming grupo. Maraming salamat po sa bawat karunungan na ibinabahagi ng aming guro sa amin.
  • Katulad ng sa unang kabanata ng Ibong Adarna, ang paghingi ng gabay sa Mahal na Birhen ang aming ginawa upang magampanan ng maayos ang aming gawain para sa aming grupo.
  • Sa kaharian ng Berbanya ay mayroong isang hari na namumuno, siya ay haring Fernando na sobrang bait at walang pinipili mahirap man o mayaman. Siya ay iginagalang ng lahat at mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian.
  • Si Reyna Valeriana ang asawa ni Haring Fernando. Siya ay napakaganda at walang katulad sa bait. Mayroon silang tatlong anak; Si Don Pedro ang panganay, siya ay may magandang tindig. Si Don Diego ang pangalawa na may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ang bunso, siya ay sobrang mapagmahal at napakabait. Mahal na mahal nila ang kanilang mga anak.
  • Isang araw tinanong sila ng Haring Fernando kung ano ang nais nila pagdating ng panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging pari o maging hari. Lahat sila ay nagnais na maging hari kung kaya't sila ay pinag-aral sa paggamit ng armas. Naging maganda ang Berbanya sa pamumuno ni Haring Fernando.
  • Isang gabi ay nagkaroon ng masamang panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng dalawang tao. Matapos na mapatay ay inihulog ang katawan nito sa malalim na balon. Nagising ang hari sa labis na kalungkutan at siya ay nagkasakit. Labis ang lungkot at pag-aalalang nadarama ni Reyna Valeria at ng kanyang tatlong anak dahil sa pagkakasakit niya.
  • Walang makaalam kung ano ang sakit ng hari maliban sa isang manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip at ang tanging makakapagpagaling ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira sa bundok Tabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at andoon lamang pag gabi. Sinabi ng manggamot sa hari na ito ay ipakuha at siguradong siya ay gagaling sa kanyang karamdaman.
Over 30 Million Storyboards Created