Noong 2011 nagsimula ang isang Lloyd Cafe Cadena sa kaniyang pag-gawa ng nakakatawang mga vlogs na LC learns. Nakilala siya dahil sa kaniyang mga kalokohang nakakatuwa kasama ang kaniyang "iconic color" na pink.
Ngunit, sa kabila ng kaniyang pagiginh isang komedya, siya rin ay may kinakaharap na problema tulad na lamang ng pagbabatikos sa kaniya ng mga tao dahil sa kaniyang katawan o ang tinatawag na "body shaming".
Pero dahil andyan ang kaniyang binuo na grupo na puro kaniyang kaibigan na kilala ngayon bilang BNT (Bakla Ng Taon) nababaliwala ang pambabatikos na kaniyang natatanggap.
Si Lloyd Cafe Cadena at ang BNT ay nagsilbing inspirasyon sa mga tao, lalo na sa LGBTQIA+, dahil sila'y tumutulong sa mga taong nangangailangan.
Sa pamamagitan ng pagtulong, napatunayan niya sa kaniyang mga basher na kaya niya ring tumulong na bukal sa puso kasabay ng pagpapasaya nga mga tao.
Dahil sa kaniyang mga nagawang kabutihan kasama ang BNT production, siya pa rin ang binabansagang " The Queen of Philippine YouTube" dahil binigyan niya ng buhay ang industriya ng vlogging sa bansa.