Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna.
Sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat.
Kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Halla!
Baka magalit ang aking ina!
Itinapon ko ang kapares nitong tsinelas.
Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?
Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.