Mayroong isang mangingisda at kanyang pitong anak na dalaga ang nakatira sa baybayin.
Hindi lamang tanyag sa kanilang bayan ang ganda ng mga dalaga kundi pati na rin sa malalayong lugar.
Ngunit isang araw ay may pumuntang makikisig na binatang mangangakal ang dumating sa bayan nila. Nabalitaan din nila ang tungkol sa mga dalaga.
Mamahaling regalo ang binigay ng mga binata sa mga dalaga. Ito ang naging sanhi ng pagkakaunawaan nila . Inanyayahan ng mga binata na pumunta ang mga dalaga sa kanilang bayan. Subalit tumutol ang ama na sumama ang kanyang mga anak sa dayuhan.
Sinamantala ng mga dalaga ang pagpalaot ng kanilang ama at bitbit ang kanilang mga gamit ay sumakay sa bangkang dala ng mga binata. Natanaw ito ng ama at sinubukang habulin ngunit hindi niya ito naabutan. Nagmakaawa ang ama na wag siyang iwan subalit hindi siya pinakinggan.
Kinaumagahan, pumalaot agad ang ama, nagsasakaling sumilong ang bangka ng mga dayuhan dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Subalit laking pagtataka niya ng siya ay nasa laot na ay nakatanaw siya ng maliliit na isla na parang isinabog sa pagitan ng Dumangas at Guimaras. Dito siya nangisda kahapon at alam niyang wala pang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw. Alam na ng ama kung anong nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang kanilang sinasakyang bangka ay nahampas ng malakas na alon na sanhi ng masamang panahon kagabi. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ngPitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanng nagawa ng pitongsuwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.