Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad likyad na tumataluntonsa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sapaghakbang. Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis.Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sagalit sa takbo ng panahon.
  • Ako ay pagod na subalit itoy kakayanin ko, Marahil ito din ang nararamdaman ni kuya noon.
  • Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
  • Sana nga anak, harinawa nga.
  • #160;Huwag na kayong lumabas ngayon ako na ang bahala.
  • Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa. Kitang-kita niya ang kanyang kuya Lito na tila ibong nabalian ng mga bagwis matapos bistayinng pulbura ay agaw hiningang bumubulusok. Namasdan niya ang dugong umaagos sakatawan ng kaisa-isa niyang kapatid. Ang kirot na nadarama ng kanyang kuya Lito aydama niyang dumampi sa hapis na katawan ng kanyang murang isipan.
  • Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo.
  • Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas
  • Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig siya ng daing na para bang umuugit sakailaliman ng kanyang puso. Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto. Naudlotsiya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama. Halos panawan na ito ngulirat, nanginginig ang buong katawan at pabagal nang pabagal ang paghinga. Lumapitsiya ng bahagya, kasabay noon ang pagkabuo ng kimpal na luha sa kanyang mga mataat dagling umagos sa magkabilang pisngi. Pinahid iyon ng kamay ng kanyang ama.Ginagap ang kanyang palad, pinisil ng mariin. May pagsusumamo ang papahinangboses, pinipilit na makapagsalita habang patuloy na nanghihina.
  • Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyangkuya Lito.Sa bahaging iyon ng pag-alala ay nabuksan ang nag-aalimpuyo niyangdamdamin. Lalong humigpit ang tangan niya sa isang supot ng bigas at ilang gamot. Sakuyom na palad ay halos mapunit ang balutan ng magsisilbing lugaw na pantawidgutom nilang mag-ama.Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahananat makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo. Habangang kanyang mga paa'y umaakyat sa hagdang kawayan ay siya namang paghina atpagdalang ng ubong yaon.
  • Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito.
  • Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkatito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran.
  • Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa.
Over 30 Million Storyboards Created