Search
  • Search
  • My Storyboards

florante at laura

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
florante at laura
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Sa isang malaking punong kahoy ng higera sa gitna ng kagubatan ay nakagapos si Florante. Mula ulo hanggang paa ni Florante ay kita ang bangis ng kapighatian. Hindi lubos maunawaan ng binata kung paano siya nagawang pagtaksilan ni Laura gayong labis naman niya itong minahal.
  • Nagkataong dumating si Aladin, isang gererong Morong galing Persiya, sa gubat. Umupo ito sa lilim ng isang punongkahoy at lumuha habang binabanggit ang pangalan ni Flerida.Aniya kung hindi lang ang kanyang ama na si Sultan Ali-Adab ang umagaw kay Flerida ay magiging marahas ang kamay nito.Habang naghihimutok si Aladin ay may narinig siyang buntung-hininga ng lalaking nakagapos sa puno ng higera. Nagmatyag si Aladin sa naririnig na panambitan.
  • May dalawang leon na papalapit kay Florante.Sa una ay handang-handa na ito sa paninila ngunit biglang nagsitigil ang mga leon nang makarating ang mga ito sa harap ni Florante na nakagapos sa puno ng higera. Namaalam na si Florante sa bayang nagpabaya sa kaniya, kay Laura, at kay Adolfo na nagmalupit sa kaniya dahil sa pag-aakalang siya ay mamatay na sa kuko ng dalawang leon.
  • Nang mga sandaling iyon ay aakmain na ng mga leon ang kaawa-awang si Florante ngunit nagmadaling tumakbo si Aladin malapit sa mga leon at pinagtataga ang mga ito hanggang sa mamatay.
  • Matapos patayin ang dalawang leon ay agad na pinutol ni Aladin ang lubid na nakagapos sa katawan ni Florante.Sa sobrang takot ni Florante sa pangyayari nawalan siya ng malay.Magdamag nitong binantayan ang binata dahil sa pangambang makagat ng mga ganid na hayop na pagala-gala.
  • Nang magising na si Florante ay nag lakbay sila ng gerero at nakakita sila ng mapag papahingahan at dito na nga nagpakilala si Aladin. Ipinaliwanag nito na bagaman sila’y magkaaway at di magkasekta, ang Moro ay saklaw pa rin sa utos ng langit.Matapos magpaliwanag ni Aladin nag kuwentuhan din sila tungkol sa kanilang buhay.
Over 30 Million Storyboards Created