Namamanata mag-isa ang mongheng Mohametano sa disyerto
Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, na kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao.
Napadaan ang sultan ngunit hindi nag-bigay respeto ang monghe
Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.
Kung kaya't ang vizier o ministro ay nagwika:
Mongheng Mometano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa inyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?
Sumagot ang Mongheng Mometano,
Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenepisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.