Search
  • Search
  • My Storyboards

Si Maliksi at ang Salamangkero (2)

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Si Maliksi at ang Salamangkero (2)
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Dahil dito ay napansin ni Maliksi na may mali na, at pinagsuspetyahan si Armano. Kaya naman ay isang gabi, pagkatapos iwan ni Maliksi sa labas ng kanyang bahay ang kanyang alay, siya’y nagtago sa likod ng isang malaking bato at inintay na may kumuha sa mga ito. Nakita ni Maliksi na biglang-bigla ay umangat ang mga alay at lumutang patungo sa isang direksyon, sinundan naman ito ni Maliksi.
  • VS
  • Nagulat na lamang si Maliksi nang pumasok sa loob ng pamamahay ni Armano ang mga alay, nakita din niya na sa loob ng bahay nito, naroroon ang lahat ng mga yamang inalay ng mga mamamayan. At doon na nalaman ni Maliksi na si Armano ang may pakana ng paglanta ng kanilang mga ani, at siya’y nagsisinungaling lamang tungkol sa pagkagalit ni Dumangan sa kanila.
  • Kinabukasan ay ipinatawag ni Maliksi si Armano, at doon na siya pinagbintangang sinungaling. Inutusan niya ang mga guwardiya na siya’y kunin at ikulong, ngunit bago pa ito mangyari ay iwinasiwas ni Armano ang kanyang mga kamay, at biglang-bigla ay nakatulog ang mga guwardiya. 
  • Umamin si Armano sa mga paratang ni Maliksi at sinabi ding alam niya ang tungkol sa tinataglay na lakas ni Maliksi, kaya naman ay hinamon niya ito sa isang laban, kung saan ang mananalo ay ang siyang mamumuno sa bayan ng Haryon. Pumayag naman si Maliksi dito, ngunit tanging lakas lamang niya ang kanyang gamit sa laban habang may mahika si Armano, kaya’t pumasok sa kanyang isipan na siya’y matatalo, subalit siya’y nagpatuloy pa rin sa ngalan ng kapakanan ng kanyang bayan.
  • Sa kanilang laban, kahit anong lakas ni Maliksi na sugurin ang salamangkero ay nauunahan pa rin siya nito sa pag-atake gamit ang kanyang mahika. Nang nanghihina at nakahandusay na sa lupa si Maliksi, mayroon siyang nakitang isang tuong ng tubig at naisip na ito na lamang ang nahuhuli niyang opsyon upang kahit papaano ay mapa-bagal niya si Armano sa pag-atake, kaya’t nilikom niya ang lakas na natitira sa kanya at ibinato sa salamangkero ang tuong ng tubig. Biglang-bigla ay umaray sa sakit ang salamangkero dahil tila nalalapnos at nasusunog ang kanyang balat, hanggang sa isang sandali ay bigla na lamang naglaho si Armano.
  • At doon na nagtatapos ang laban, nanalo si Maliksi at kanyang naipagtanggol ang bayan ng Haryon mula sa muntikan nang pamumuno ng sakim na salamangkerong si Armano.
Over 30 Million Storyboards Created