O Diyos ko, ang aking panalangin ay isang milagro na mawawala ang suliraning kinakaharap namin. Amen
Juli, ako ay humihingi ng pera kung mayroon kayong limang daang piso na naitabi. Pambayad lang sa mga tulisang dumakip sa akin.
Pagbalik ni Ama, sabihin ninyong pumasok na ako sa eskuwela sa wakas. Ang amo ko ay marunong mag-Kastila. Hindi kayo makatatagpo ng ganitong kamurang paaralan
Taimtim na nagdasal si Juli at umasa ng milagrong aahon sa suliranin na kinakaharap nila.
Maagang nagising si Juli at umaasang magkakamilagro. Ngunit ang tanging nakita niya lamang sa ilalim ng berhen ay ang sulat galing sa ama.
Sumapit ang umaga at nagising na si Tata Selo. Ipinaghanda niya ito ng almusal. Kita sa mga mata nilang dalawa ang lungkot. Pinagaan ni Juli ang loob ni Tata Selo kahit siya ay nasasaktan din.
......
Napipi na! Napipi na! Tandang Selo!! Napipi na!
Lumisan na si Juli sa kanilang tahanan upang magtungo sa kaniyang pagsisilbihan. Hindi siya nakapagsabi ng Maligayang Pasko! kay Tata Selo dahil hindi na niya kinaya ang sakit ng nararamdaman.
Matagal nang nakaalis si Juli at mataas na ang araw. Nanood si Tata Selo sa mga batang binihisan patungo sa misa mayor. Naalala niya na hindi siya binati ni Juli ng Maligayang Pasko! at lalo siyang nalungkot.
Nang dalawin siya ng mga kaibigan at kamag-anak upang mamasko ay wala siyang masabi. Maski pilitin niya ay walang lumabas na tinig. Napipi na! ang tili ng mga nasindak na biglang nagkagulo.
Mano po. Kamusta na po Tata Selo? Tata Selo? Lolo Selo? Tata Se-