Nang malaman ng ganid na raha ang pamamanhikan at ang pag-alis ni Gat Malaya ay sinamantala niya iyon. Nilusob niya ang kaharian nina Magayon. Natalo si Raha Makusog dahil hindi sila nakapaghanda.Nagbanta si Iriga na papatayin si Raha Makusog kung hindi magpapakasal sa kanya si Magayon.
Ayaw mang pumayag ni Magayon ay wala siyang ibang pagpipilian.Ngunit, lingid sa kaalaman ng tusong si Iriga ay nagpadala si Magayon ng mensahero kay Malaya. Pinagmamadali niya ang binata na bumalik sa lalong madaling panahon.
Nang matanggap ang mensahe ay agad na bumalik si Malaya dala ang mga sanlibong kawal at higit pa para bawiin si Magayon at ipaghiganti si Raha Makusog kay Raha Iriga. Naging madugo ang pagbawi sa dalaga.
Marami ang namatay ngunit nanalo sina Malaya. Dahil sa sobrang ganid, sinibat ni Iriga si Magayon habang binibigkas ang mga katagang, “Kung hindi ka rin lang mapapasaakin, hindi ka rin mapupunta kay Gat Malaya.”
Agad na dinaluhan ni Malaya ang naghihingalong dalaga. Sinamantala ni Iriga ang paghihinagpis ng binata at pinaulanan ito ng mga pana habang hawak ang dalaga. Nakita ni Raha Makusog ang lahat ng pangyayari kaya’t walang emosyong tinaga niya mula sa likuran si Iriga.
Ipinangalan ang bulkan sa magandang dalaga ni Raha Makusog dahil sa perpektong hugis at angking ganda ng naturang tanawin. Sa paglipas ng panahon, naging Mayon ang bigkas.