Josefina, ipapakita ko kung paano ginamit ng mga Espanol ang Kristiyanismo at Reduccion upang sakupin ang Pilipinas.
Ano ang mga nangyari noon? Madali bang nasakop ng Espanol ang mga Pilipino sa pamamagitan ng relihiyon? Epektibo ba itong paraan?
DUMATING ANG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS
PINAIRAL NILA ANG SISTEMANG REDUCCION
Tignan natin ang mga pangyayari noon at pano ito nakaapekto sa kasalukuyan.
Ang Pueblo
Ang mga prayle ay ang nagpatupad ng Patronato Real kung saan ay nagsanib ang simbahan at ang estado.
Pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino
NAGTAYO SILA NG MGA PUEBLO NA ANG KABISERA ANG NAGING SENTRO NG PAMAYANAN. SA KABISERA NITO AY MAY PALENGKE, MUNISIPYO, SEMENTERYO, PAARALAN AT SA GITNA AY ANG SIMBAHAN. MAS MADALI ANG PAGSAKOP DAHIL NAPAGSAMA NILA ANG MGA TAO NA NOON AY HIWA-HIWALAY.
Naging kolonya ng Espana ang Pilipinas ng mahigit 300 taon. Pinamunuan ito ng opisyal na itinalaga ng Hari ng Espanya tulad ng Gobernador General,sa tulong ng mga Prayle
Sa kabesera o sentro ng mga pueblo ginaganap ang mga pagdiriwang at kapistahan. Malapit ito sa simbahan. Nagkakaroon din ng mga pagtatanghal upang mahikayat ang mga tao na magsimba.
Ng dahil sa sistemang reduccion, hindi na palipat-lipat ng tirahan ang mga Pilipino. Dahil dito, natututo sila na pagandahin ang kanilang mga tahanan. Ang dating bahay kubo, ay naging bato na may mga balkonahe at asotea. Meron din mga malalayo at liblib na lugar na hindi nasakop ang Espanyol. nanatili ang kanilang paraan ng pamumuhay bago pa dumating ang mga Espanyol.
Ang Pilipinas ay naging Kristiyanong bansa, maliban sa mga lugar na hindi nasakop ng Espanya tulad ng mga Pilipinong Muslim. Sa aking palagay ay epektibo ang paraan na ginamit ng mga Espanyol para sakupin ang Pilipinas. Sa ngayon ay nakikita pa rin sa mga ibat-ibang lugar ang mga istraktura tulad ng pueblo at mga bahay na bato. Ang sistema sentralisado ng pamahalaan ay may pagkakatulad din ng panahon ng mga Espanyol. Maging ang ating salita , pangalan, at mga pagkain ay may impluwensiya din ng mga Espanyol.