Nang si Aling Martha ay nawalan ng malay, dinala siya ng kaniyang asawa sa kaniyang kwarto upang makapagpahinga.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Pangako ko sayo'y mabibigyang hustisya ang pagkamatay mo.
Noong siya ang nagkaroon na ng malay, agad siyang bumangon at tumungo sa labas.
Agad siyang nagpunta sa lugar kung nasaan ang bata.
Nang makita niya ang kaawa-awang bata na walang buhay ay humagulgol siya at lubos na nagsisisi sa ginawa niyang panghuhusga sa bata dahilan upang ito'y madisgrasya.
Agad siyang nagtungo sa police station para isuko ang kaniyang sarili, handa na niyang harapin ang kaniyang kasalanan.
Lubos na niyang pinagsisihan ang kaniyang pagkakamali kaya ngayo'y handa na siyang tanggapin ano man ang kaukulang parusa nito. Siya ay makukulong sa loob ng limang taon dahil sa ginawa niya sa kaawa-awang batang si Andres.