Unang Sabado, hiniling ng batang si Rebo na magdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa mismo araw ng kaniyang kapanganakan kaya naman nag-imbita ng maraming bisita na animo’y kaarawan talaga ni Rebo kasabay nito ay marami din ang bumabati sa kaniya at maraming may regalo, kabilang ang paborito niyang beyblade.
IKAAPAT NA SABADO
Ikalawang Sabado, si Rebo naman ang dumalo sa isang birthday party saka nakipaglaro siya sa kaniyang mga pinsan ng beyblade.
IKALIMANG SABADO
Bago ang pagsapit ng ikatlong Sabado, dinalaw niya si Rebo at sa una, dito niya nakita ang nanghihinang si Rebo, nawala na rin ang palangiting si Rebo at hindi na rin nito kaya pang laruin ang kaniyang paboritong beyblade kasama nito ang paglagas rin ng kaniyang mga buhok, samantala, sa mismong ikatlong Sabado ay may mascot na nagtanghal nang libre para kay Rebo, kitang kita dito na hirap na siya ngunit ipinakita pa rin niyang masaya siya.
IKAANIM NA SABADO
Ikaapat na Sabado, dahil sa mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebo, ni ang pagpasok ng pisi ng beyblade ay di niya na magawa.
Ikalimang Sabado, sa huli, hindi na kinaya ni Rebo ang lahat at pumanaw na ito, namatay siyang buhat ng kaniyang magulang sa mga bisig nito.
Ikaanim na Sabado, sa lahat ng ito, dito natapos ang lahat ng paghihirap ni Rebo. Hindi na muling malalaro pa ni Rebo ang kaniyang beyblade ngunit sa kinaroroonan niya ngayon, wala mang beyblade, wala naman doong sakit, hirap, at gutom.