Isang araw may isang lalaking Judio ang naglalakbay papuntang Jerico.
Siya ay ninakawan, binugbog at hinubaran ng damit ng mga magnanakaw . Halos siya ay patay na nang iwan ng mga magnanakaw.
At hindi lumaon dumating ang isang Saserdoting Judio at nakita ang lalaki ngunit hindi niya ito tinulungan at nilampasan niya lamang ito.
Isa pang Judio ang dumating na nagtratrabaho sa templo ang nakakita sa lalaking sugatan ngunit hindi niya ito tinulungan at dumaan sa kabilang kalsada.
Pagkatapos ay dumaan ang isang mabuting samaritano walang pag aalinlangan niya itong tinulungan, ginamot at dinamitan.
Dinala ng samaritano ang lalaki sa isang bahay-tuluyan upang ito'y alagaan hanggang kinabukasan. Nang paaalis na ang samaritano binigyan niya ng pera ang bantay sa bahay-tuluyan gayondin ang lalaking pinapaalagaan.