Search
  • Search
  • My Storyboards

Implasyon

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Implasyon
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Oo naman.
  • Kuya Miguel, maari mo ba akong tulungan sa aking takdang aralin? Ito ay tungkol sa implasyon.
  • Ang implasyon ay ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga piling produkto sa pamilihan. Kung mapapansin mo minsan ay bumibili ng mga alternatibong produkto o kaya naman kakaunti ang binibili ng ating mga magulang pansamantala dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang mga produkto? Ito ay dahil sa implasyon.
  • Ano ba ang ibig mong malaman tungkol sa implasyon?
  • Ano po ba ang implasyon?
  • May dalawang uri ng implasyon. Ang isa ay may mas mataas na demand mula sa mga konsumer kaysa sa supply. Ito ay tinatawag na demand pull inflation. At ang isa ay mayroong pagtaas ng presyo ng mga produkto kung kaya't hindi nabibili lahat ng produkto. Ito ay tinatawag na Cost Push Inflation.
  • Ganoon pala iyon. Paano naman po nasusukat ang implasyon ng ating ekonomiya?
  • Ito ay nasusukat sa tatlong paraan. Ito ang inflation rate, purchasing power at price index. Ang price index ay ginagamit para masukat ang laki ng pagbabago ng presyo. Ang kadalasang ginagamit ay ang consumer price index. Gamit ito, sinusukat ang laki ng pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. 
  • Ginagamit ang Market Basket para makuha ang Consumer Price Index. Dito nakatala ang presyo at mga produkto na kinokonsumo ng bawat pamilya sa loob ng isang buwan.
  • Ano naman po ang batayan nila para masukat ang Consumer Price Index?
  • Kapag nakuha na ang total weighted price ng mga produktong nakonsumo ay maari ng makuha ang Consumer Price Index gamit ang binigay na pormula para ma-compute ito. Kapag nakuha na ito ay maari naring makuha ang Inflation Rate at ang Purchasing Power. Ibibigay ko sa iyo ang kopya ng pormula na maaari mong magamit sa pagsukat ng implasyon, at ilang mga halimbawa.
  • Salamat Kuya Miguel! Ngayon ay mayroon na akong ideya tungkol sa implasyon at pag-aaralan pa itong mabuti.
Over 30 Million Storyboards Created