Marahil ay walang mga guwardiya sibil noon, kung mayroon ay hindi sila mabubuhay nang matagal dahil sa pangungulata.
Naantala ang pagdating ni Basilio sa San Diego...
Nang harangin ng guwardiya sibil ang karwaheng sinasakyan niya. Nagkataong naiwan ng kutsero ang sedula nito kaya't kinulata ito ng guwardiya.
Habang naglalakbay, pinahinto ng mga guwardiya sibil ang kutsero dahil walang ilaw ang karwahe. Bawal iyon sa batas. Nakiusap ang kutsero ngunit hindi siya pinagbigyan. Ipipiit siya sa bilangguan.
Nakauwi si Basilio sa bahay na kanyang tinutuluyan. Bahay iyon ni Kapitan Tiago na tinitirhan ng isang katiwala.
Ibinalita sa kanya ng katiwala ang pagkakadakip kay Kabesang Tales. Dahil sa balitang iyon ay nawalan siya ng ganang kumain.