Habang naglalakad ang mag amang si Aisling at ang anak nitong si Aoife papuntang palengke para bumili  sana ng mauulam nila. ngunit sa di nila inaasahang pagkakataon may bigla nalang humarorot na sasakyat sa kanilang harapan na ikinagulat nilang dalawa.
Bumaba sa sasakyan ang driver at pinagsisigawan nito ang mag ama.
WALA BA KAYONG MGA MATA!
Mawalang galang na ngunit di naman kami ang may kasalanan rito
At isa pa, nasa tamang daanan naman ang nilalakaran namin
So? pinapalabas mopa na ako ang may kasalanan riito!?
Sapagkat baka sa susunod hindi natin mamamalayan na nadisgrasya na pala tayo
Hindi naman sa ganun, ang gusto ko lamang linawin ay sana sa susunod na mag maniho kayo ay maghinay hinay po tayo
Wag ka masyadong magmagaling dahil sa palagay mong yan!? Mas malayo narating ko kesa sayo!
At isa pa pwedi kitang ipakulong kahit kelan ko gusto!
Wala po kayong karapatan na ipakulong ang mga tao ng basta basta lang kahit wala naman sila ginawang kasalanan
Di porket di nakapagtapos ng pag aaral ipapakulong niyo na kaagad ng ganon ganon lang
Mas marami akong alam kaya wag mo akong pinagsasabihan!
Tama na po! Wala naman po talagang kasalanan ang aking itay